Thursday, November 24, 2016

Dahan Dahan, Baka Pati Ika'y Mabiktima


Bakit kaya? Paano nga ba? Siguro naman. Sana balang araw.
By: Didge Martin 🤘

Bakit kaya hindi ko lubos mattangap na tayo'y napuno ng ligaya?
Bakit kaya sa tuwing nagsasalubong ang ating mata ay magkaiba ang nadarama?
Bakit kaya hindi mo lubos magustuhan ang mga pagkatataon sa'ting dalawa?
Bakit kaya ikaw at ako ay hindi pinagbibigyan ng tadhana?

Paano nga ba tayo napunta sa ganito?
Paano nga ba nabuo ang ideya na ikaw ang mundo ko?
Paano nga ba kita natiis sa lahat ng pagkakataong pinaasa mo lang ako.
Paano nga ba ako lilisan kung alam kong mahal mo rin pala ako?

Siguro naman ako parin sa huli.
Siguro naman sa hindi ko pagbitaw ay ika'y matutong kumapit kahit man lang sandali.
Siguro naman mayroon akong maasahan mula sa'yo.
Siguro naman sa paglipas ng panahon, maaring mahalin mo na rin ako.

Sana balang araw, iyong maalala na ako'y umibig ng walang kaduda-duda
Sana balang araw matanggap ko na rin na hindi tayo para sa isa't-isa.
Sana balang araw mawala nalang lahat itong hinanakit sa sistema
Sana balang araw maglalaho ka na lamang na parang bula.



No comments:

Post a Comment